25.06.2020

Kayo ang mga bagong bayani: karapat dapat na kayo ay laging ligtas

Kayo ba ay isang domestic worker? Kayo ay may karapatan sa ligtas na kapaligiran sa trabaho at makataraungang sahod, hindi alintana kung gaano man kayo katagal sa UK.

Kung kayo ay nakakaranas ng pang-aabuso, o pinagtratrabaho ng hingit sa napagkasunduan, ito ay labag sa batas. Huwag ninyo itong tiisin, may suporta at tulong para sa inyo.

Ang inyong mga karapatan bilang isang domestic worker

  • Ang karapatan sa National Minimum Wage, na £ 8.72 bawat oras para sa sinumang higit sa edad na 25
  • Ang karapatang panghawakan ang inyong pasaporte (ang iyong amo ay hindi pinapayagan na panghawakan o itago ito)
  • Ang karapatan na magpahinga ng hindi bababa sa 20 minuto bawat 6 na oras ng trabaho
  • Ang karapatan sa mga nakatakda at napagkasunduan sa iyong kontrata, kung kayo mayroong kontrata.
  • Karapatang mabayaran ang iyong buong suweldo sa takdang araw ng sahod.
  • Ang karapatan sa 5.6 na linggo na may bayad na bakasyon sa bawat taon, at sick pay kung kayo ay magkasakit
  • Ang karapatan sa inyong buong sahod – ang inyong amo ay bawal kumaltas ng pera para sa pagkain
  • Ang karapatan sa serbisyong pangkalusugan 
  • Ang karapatan sa privacy at sa iyong sariling kama
  • Ang karapatang magkaroon ng sapat na pagkain
  • Ang karapatan sa isang ligtas na kapaligiran sa pagtatrabaho, na malaya sa mga banta ng pisikal, emosyonal o sekswal na pang-aabuso

Imigrasyon

Ang inyong mga karapatan ukol sa imigrasyon ay depende kung kalian na isyu ang inyong visa.

Sa karagdagang kaalaman bisitahin ang website ng Kalayaan.

Ang inyong trabaho bilang domestic worker sa panahon ng Covid 19

Dahil ang UK ay nasa lockdown, ang mga kondisyon ng inyong trabaho ay maaaring lumala, or maaaring kayo ay nawalan ng trabaho ng walang abiso. Maaaring nakakaranas kayo ng dagdag na trabaho, o kakulangan ng pagkaing laan para sa inyo, o mas nakakabahalang pinagtratrabahuhan. Maari kayong humingi ng tulong.

Paano manatiling ligtas

Paano humingi ng tulong

Kung kayo ay nasa kagyat na panganib, tumawag sa 999.

Voice of Domestic Workers

Ang Voice of Domestic Workers ay nagbibigay ng libreng suporta sa mga domestic worker, kagaya ng: leksyon sa wikang Ingles, payo sa trabaho at iba pang mga aktibidad na pang komunidad. Makakatulong sila sa mga nais umalis sa mapang-abusong amo at tumutulong silang magbigay ng ligtas na matutuluyan.

07528 705442

[email protected]

https://www.thevoiceofdomesticworkers.com/

Kalayaan

Ang Kalayaan ay nagbibigay ng libreng at kumpidensyal na payo at suporta sa mga domestic worker. Nag-aalok sila ng payo ukol sa imigrasyon at mga karapatan ng mga manggagawa

020 7243 2942

[email protected]

http://www.kalayaan.org.uk/

Filipino Domestic Workers' Association

Ang FDWA-UK ay samahan ng mga Pilipinong kasambahay sa UK. Layunin niyang ipagtanggol ang mga karapatan nito at labanan ang lahat ng anyo ng pang-aabuso at pagsasamantala.

[email protected]

http://fdwa.co.uk/contact-us/

Kanlungan Filipino Consortium

Ang kanlungan ay isang organisasyon ng mga migranteng Filipino sa UK na nagbibigay ng suporta sa mga isyu sa kapakanan, trabaho at imigrasyon. Sila ay nangangampanya para sa karaparan ng mga migrante sa kalusugan, serbisyong publiko at para magkaroon ng leave to remain ang mga migranteng hindi dokumentado sa UK.

0203 893 1871

[email protected]

https://www.kanlungan.org.uk/

Kung kayo ay HINDI isang domestic worker

Kung kayo ay HINDI isang domestic worker, pindutin ang link para sa ibang kaalaman.